Magiging maingat ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbalanse sa pagbibigay proteksyon sa kalikasan at implementasyon ng batas na may kinalaman sa responsible mining.
Ito ang inihayag ng Presidente matapos dumalo sa Philippine Military Academy (PMA) Alumni Homecoming sa Baguio City.
Natanong kasi ito ukol sa polisiya ng kanyang administrasyon hinggil sa pagbibigay proteksyon sa kalikasan partikular sa usapin ng pagmimina.
“In terms of protecting the environment, it’s very clear what the position of this government has always been… It has been an important part of all our policies, that we are environmentally conscious, that we are moving the economy towards green technologies, we are moving our production of power towards renewables,” ayon kay Pangulong Marcos.
Ayon kay PBBM, sa usapin ng pagmimina, importanteng bahagi ng mga plano para sa ekonomiya ng kanyang administrasyon ang mineral exploration at extraction.
Itutuloy aniya ng pamahalaan ang mahigpit na pagpapatupad ng batas hinggil sa responsible mining, kasama rito ang pagsiguro na ang mga mining company ay responsable sa mga lugar na pinagdarausan ng kanilang operasyon.
“So it is really a question of enforcing the law in terms of responsible mining and that is what we will continue to do. We will always make sure that the mining companies who come in, once they are finished mining that they leave the site in the same condition as it was when they found it,” pahayag pa ng Presidente.