Tiniyak ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na makakakuha ng benepisyo ang mga mangingisda sa Philippine Fisheries and Coastal Resiliency Project para sa magandang kita.
Ayon sa Pangulo, layon ng fishcore project na tugunan ang problema ng mga mangingisda tulad ng pagkalugi at maibsan ang kahirapan ng fisherfolk sector.
Mahalaga anya na pagtuonan ito ng pansin dahil prayoridad ng kanyang administrasyon na palakasin ang supply ng pagkain.
Nabatid na pitong taong investment ang naturang proyekto kung saan suportado ng reporma sa fishery at aquaculture management sa bansa.
Samantala, aabot sa 354,905 na rehistradong mangigisda ang makikinabang sa fishcore project. - sa panunulat ni Jenn Patrolla