Handa na ang pamahalaan sa pagtugon sa mga hamon ng La Niña.
Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko ukol sa paparating na mapanirang weather phenomenon.
Ayon kay Pangulong Marcos, tinututukan ng pamahalaan ang flood control program upang maiwasan ang matinding pagbaha.
Gagawa rin ang pamahalaan ng irrigation. Gagamitin ito sa pag-iipon ng tubig upang kung muling dumating ang tagtuyot, mayroong mapagkukunan nito.
Bukod rito, siniguro rin ni Pangulong Marcos na may sapat na calamity fund ang pamahalaan upang tugunan ang matinding tag-ulan.
Bagamat handa na, sinabi ng pangulo na kailangan pa ring maglatag ng pangmatagalang solusyon sa panibagong pagsubok na haharapin ng bansa.