Naniniwala si Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr. na kakayanin ng Pilipinas ang masamang epekto ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng bansang Russia at Ukraine.
Ayon sa Pangulo, batay ito sa Gross Domestic Product (GDP) growth rate na nagsisimula ng makarekober ang bansa mula sa COVID-19 pandemic at maayos ang pamamahala ng gobyerno lalo na sa usapin ng pagkain, transportasyon at enerhiya
Siniguro din ng Marcos Jr. na mananatili ang pagtatrabaho para mas umangat ang ekonomiya ng Pilipinas sa tulong na rin ng ASEAN.
Naniniwala ang pangulo na kailangang ma-promote ang people – oriented, people-centered recovery at development dulot ng epekto ng pandemya. - sa panunulat ni Maze Aliño-Dayundayon