Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ang matibay na pakikipag-ugnayan sa Australia.
Sa gitna ito ng pakikipag-usap ng Pangulo kay Australian Prime Minister Anthony Albanese sa telepono, kung saan napag-usapan ang pagpapaigting ng relasyon ng dalawang bansa sa kalakalan at depensa.
Ayon sa Office of the Press Secretary, nakatakdang magkita sina PBBM at Prime Minister Albanese sa darating na Association of Southeast Asian Nations Summit.
Nasa P3-B kada taon ang development program ng Australia sa Pilipinas.
Ang ating bansa ang ika-5 pinakamalaking migrant community sa Australia na kinabibilangan ng 400,000 Pinoy.