Tutulungan ng pamahalaan ang mga magsasaka at indibidwal na maaapektuhan ng El Niño phenomenon.
Ito ang iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan irerehistro ang mga apektado ng tagtuyot sa iba’t ibang livelihood programs.
Sinabi ni PBBM, na magpapatuloy ang Assistance to Individuals in Crisis Situation ng DSWD at TUPAD ng DOLE para sa mga magsasaka na masisira ang pananim.
Tiniyak ng pangulo na magpapatupad ang pamahalaan ng kahalintulad na mga programang ginawa sa pagtugon sa inflation.
Partikular dito ang whole-of-nation approach bilang paghahanda sa El Niño na inaasahang tatagal hanggang second quarter ng 2024.