Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng 6.8 magnitude na lindol na tumama sa Sarangani Province noong November 17.
Sa kanyang pagbisita sa General Santos City, sinabi ng Pangulo na inihahanda na ng pamahalaan ang lahat ng kinakailangang tulong, kabilang na ang relief operations.
Siniguro rin niya na hindi aabandonahin ng pamahalaan ang mga biktima ng lindol.
Samantala, gagawing prayoridad naman ng pamahalaan ang pagsasaayos ng mga nasirang public schools at ospital sa oras na matapos ang patuloy na aftershocks.
Ayon sa ulat ng lokal na pamahalaan ng Sarangani Province, 20 public schools at 78 classrooms ang napinsala ng malakas na lindol.