Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa government workers ang patuloy na suporta ng pamahalaan sa kanilang kapakanan.
Sa ginanap na awards rites para sa Outstanding Government Workers of 2023, ibinahagi ni Pangulong Marcos ang plano nitong pataasin ang bilang ng mga nagtratrabaho sa pamahalaan.
Sa ilalim ng Bagong Pilipinas, kailangan aniyang lumikha ng isang matatag na pamahalaan na binubuo ng “agile at future-ready civil servants.”
Dahil dito, nangako ang Pangulo na pahuhusayin ng administrasyon ang kanilang working conditions at susuportahan ang kanilang professional development.
Samantala, ginawaran ni Pangulong Marcos ang ilang grupo at indibidwal para sa kanilang pambihirang kontribusyon sa public interest, security, at patrimony.
Kabilang sa mga ipinagkaloob na parangal ang Civil Service Commission Pagasa Award, Dangal ng Bayan Award, at Presidential Lingkod Bayan Award.