Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibigay ng suporta para sa mga miyembro ng mga rebeldeng grupong magbabalik-loob sa pamahalaan.
Ito ay sa gitna ng patuloy na pagsisikap ng administrasyon na mahikayat ang mga natitirang rebelde na maging bahagi ng lipunan.
Ayon kay Pangulong Marcos, ipagkakaloob ng pamahalaan ang lahat ng suporta sa rebel returnees, kabilang na ang pabahay, pangkabuhayan, at pang-edukasyon.
Pagbibigay-diin ng Pangulo, magiging tuloy-tuloy rin ang kampanya ng pamahalaan laban sa armed destructions, partikular na sa loose firearms.