Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi makatatanggap ng special treatment si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy.
Ginawa ng pangulo ang pahayag kasunod ng pagsuko ni Quiboloy sa mga awtoridad kamakailan.
Ayon kay Pangulong Marcos, bagamat prominente ang naturang religious leader, itatrato pa rin ito katulad ng mga ibang inaresto.
Pagdidiin ng pangulo, mananagot ang lahat ng sangkot sa pagtatago kay Quiboloy.
Matatandaang nasa 2,000 pulis ang ipinakalat sa KOJC compound sa Davao City noong August 24 matapos maghain ng warrant of arrest ang Pasig City court at Davao City Regional Trial Court laban sa pastor dahil sa mga kasong qualified human trafficking at child and sexual abuse.
Nahaharap din si Quiboloy sa iba’t ibang kaso sa Amerika, kabilang na ang sex trafficking of children, fraud and coercion, at bulk cash smuggling.