Sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng ika-126 na Araw ng Kalayaan sa Quirino Grandstand, nagbigay-pugay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay at nakipaglaban para sa kalayaan at kasarinlan ng mga Pilipino.
Ayon kay Pangulong Marcos, isang hamon ang patuloy na pakikibaka para sa kalayaan ng bansa.
Nais niyang ipaalam sa mga Pilipino, lalo na sa kabataan, ang paghihirap ng mga ninuno at bayani upang makamit ang kapayapaan at kalayaan na kailangan nating pangalagaan at ipaglaban.
Dahil dito, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagdepensa sa teritoryo ng Pilipinas na tunay ngang napapanahon.
Bukod rito, tiniyak din ng pangulo na patuloy siyang lumalaban upang lumaya ang mga Pilipino mula sa kahirapan, kagutuman, kawalan ng katarungan, at iba pang mga balakid sa pag-unlad ng bansa.
Gayunman, nanawagan siya sa publiko na patuloy na tangkilikin at ipagmalaki ang pagiging Pilipino.