Tiniyak ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magiging mataimtim, simple at tradisyunal ang kaniyang panunumpa sa Huwebes, Hunyo a-30 na gaganapin sa National Museum.
Sa BBM vlog ng susunod na Pangulo, kaniyang sinabi na magiging maayos at masaya ang pagdaraos sa kaniyang inagurasyon.
Samantala, inilarawan din ni BBM kung papaano siya naghintay sa dating Old Legislative Building para sa kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.