Pinasisiguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na available at maibibigay sa mga tao ang pangangailangan sakalit mangyari na ang pinangangambahang 7.2 magnitude quake sa bansa na noon pa iniabiso ng PHIVOLCS.
Ayon kay OCD Director at Undersecretary Ariel Nepomuceno, nais ng pangulo na tuloy-tuloy ang pagbibigay ng mga kakailanganin ng mga maaapektuhan ng kalamidad gaya ng lindol.
Bukod dito, pinagsusumite din anya sila ng short at long-term solution ng chief executive na kung saan ay sa linggong ito nakatakda ang deadline.
Gayunman, bingyan-diin ni Usec. Nepomuceno na hindi madaling gawin ang pagbalangkas o paggawa ng long-term solution ngunit may susundan naman aniya silang roadmap ukol dito.
Dagdag pa ng opisyal na tuloy-tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa pangulo sa tuwing may inaasahang kalamidad sa bansa, kabilang na ang the big one, na bagama’t walang makapagsasabi kung kailan ito magpaparamdam ay kailangan na ding paghandaan. —ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)