Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang launching ng Tunnel Boring Machine para sa Metro Manila Subway Project sa Valenzuela City.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ng Pangulo ang Department of Transportation, ang Japanese Government at mga katuwang nitong pribadong sektor para sa pagsasakatuparan ng itinuturing na ‘Project of the Century’ ng bansa.
Tiniyak naman ni PBBM na lalong pagbubutihin ng pamahalaan ang sektor ng transportasyon ng Pilipinas.
Sa oras na maging fully operational ang proyekto, aabot sa 519,000 daily passengers ang maseserbisyuhan nito.