Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala nang aktibong New People’s Army (NPA) guerrilla front sa Pilipinas batay sa tala noong December 2023.
Ayon kay Pangulong Marcos, nakapag-neutralize na ang pamahalaan ng 1,399 members ng communist at local terrorist groups. Higit sa 1,750 na mga armas na rin ang kanilang nakumpiska.
Aniya, resulta ito ng matagumpay na kampanya ng administrasyon laban sa internal threats.
Samantala, siniguro ng Pangulo na patuloy ang anti-communist insurgency campaign ng pamahalaan, katulong ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Department of National Defense (DND), at government intelligence agencies.