Kamakailan lang, pansamantalang sinuspinde ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang implementasyon ng Republic Act No. 11954 o mas kilala bilang Maharlika Investment Fund Act of 2023. Suportado naman ng mga mambabatas ang direktibang ito ng Pangulo.
Noong July 18, 2023, inapbrubahan ni Pangulong Marcos Jr. ang Maharlika Investment Fund Act. Maraming inaasahang positive impacts ang batas na ito, kabilang na ang enhanced investment capital, infrastructure development, increased foreign investment, at strengthened governance.
Para sa Pangulo, game-changer ang Maharlika Investment Fund o MIF dahil maaari nitong mapabago ang ekonomiya. Parte ito ng kanyang strategy para mapalago ang ekonomiya at makapaglikha ng maraming trabaho para sa mga Pilipino.
Itinuturing na inaugural sovereign wealth fund ang Maharlika Investment Fund na ilalaan sa iba’t ibang assets gaya ng foreign currencies, domestic and foreign corporate bonds, commercial real estate, fixed-income instruments, at infrastructure projects.
Layunin ng MIF na i-maximize ang profitability o kakayahang kumita ng mga assets ng gobyerno nang hindi na kailangang mangutang.
Upang maipatupad ito, at least 70% ng assets ay ii-invest sa loob ng Pilipinas. Mahigpit na pinagbabawal ang pag-iinvest sa mga sektor ng pagsusugal, tobacco, at alcohol production.
Ngunit nitong October 18, 2023 lamang, isinapubliko ang memorandum galing sa Office of the President na naka-address sa Bureau of the Treasury, Land Bank of the Philippines, at Development Bank of the Philippines. Dito, nakasaad ang suspension ng Implementing Rules and Regulations o IRR ng MIF Act.
Ipinatigil muna ang implementasyon nito dahil nais ni Pangulong Marcos Jr. na magkaroon ng mas mahaba at mas malalim na pag-aaral sa MIF Act. Bukod dito, nais din niyang malinaw na mailatag muna ang safeguards o proteksyon ng naturang batas para magkaroon ng accountability ang sinumang hindi gagamit nang tama sa pondo ng bayan.
Sinang-ayunan ng netizens ang askyong ito ni Pangulong Marcos Jr. Pati rin ang mga mambabatas, ipinahayag ang suporta sa desisyon ng Pangulo.
Ayon kay House Appropriations Committee vice chairperson at Aklan 2nd District Representative Teodorico Haresco Jr., tama ang desisyong ito dahil hindi biro ang pondo ng taumbayan. Hindi dapat bara-bara ang magiging diskarte dito. Pinasalamatan din ni Senator Chiz Escudero ang agarang pagtugon ng Pangulo sa mga posibleng isyung pagmumulan ng IRR.
Para sa mga mambabatas, ang direktibang magsagawa ng karagdagang pag-aaral at pagsusuri sa MIF Act ay nagpapakita lamang na katiwala ng sambayanang Pilipino si Pangulong Marcos Jr.