Dinaluhan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang 2022 DENR Multi Stakeholder’s Forum sa Lungsod ng Maynila, kaninang umaga.
Kasama ni Pangulong Marcos sa aktibidad na ito sina Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma, Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga at House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
Layunin ng forum na matutukan ang pagtukoy ng mga strategies at priority actions ng DENR.
Kabilang dito ang pagtalakay sa mga nagawa na ng pamahalaan, mga gagawing rekomendasyon at commitment sa mga stakeholder na kailangang makita sa department summary.
Maliban dito, magsisilbi din itong critical inputs para magkaroon ng policy reform agenda, shared programs, actions, and plans at systems and collaboration mechanisms.
Target din nito na mapaigting pa ang mga misyon ng DENR para maprotektahan, ma-conserve at mapangasiwaan ng mahusay ang environment at natural resources ng bansa. —sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)