Tiwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mas malaki ang makukuhang karunungan ng mga estudyante sa loob ng silid-aralan dahil personal na matuturuan ito ng mga guro.
Ginawa ng punong ehekutibo ang pahayag kasabay ng pagbabalik ng face-to-face classes ngayong araw ng mga mag-aaral matapos ang dalawang taong online learning dahil sa COVID-19 pandemic.
Batid ng pangulo na naririyan pa rin ang banta ng virus, kaya’t importante aniya na sundin ng mga guro at mag-aaral ang minimum health protocols para mapanatili ang maayos na kalusugan habang nag-aaral.
Kumpyansa rin ang pangulo na sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte sa Department of Education (DepEd), na makakamit ng enrolled students ng k-12 system, ang kalidad na edukasyon.