Inihayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nasa mabuting kalagayan si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at patuloy na nagtatrabaho habang naka-isolate at nagbibigay ng mga direktiba sa kanyang mga gabinete.
Ito’y matapos magpositibo sa COVID-19 antigen test ang Pangulo nitong Biyernes kung saan nakaranas ito ng bahagyang lagnat, pagbabara at pangangati ng ilong at minsanang pag-ubo.
Ayon kay Angeles, binisita nitong tanghali ng Sabado si PBBM ng kanyang physician kung saan idineklarang nasa maayos na kalagayan ang Pangulo.
Matatandaang, ito na ang pangalawang pagkakataon na nagpositibo sa COVID-19 si Marcos Jr.