Usap-usapan sa social media ang ginawang tulong ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagpapataas ng buying price ng palay. Viral din ang ginawang tulong ng Pangulo sa mga konsyumer nang namigay siya ng libreng bigas mula sa nasabat na smuggled rice. Ngayon naman, small rice retailers ang nais tulungan ni Pangulong Marcos Jr.
Ano ang ibibigay na tulong ni PBBM sa small rice retailers?
Tara, suriin natin yan.
Recap muna tayo.
September 5, 2023 nagsimulang magkaroon ng price ceiling sa bigas sa bisa ng Executive Order No. 39 na inirekomenda ng Department of Agriculture at Department of Trade and Industry.
Dahil dito, napaaray ang retailers, lalo na ang mga may maliliit na tindahan o sari-sari stores. Panawagan noon ni DTI Assistant Secretary Agaton Uvero sa retailers, tumulong at magsakripisyo muna para sa nakararami.
Pero hindi na nila kailangang magtiis pa dahil noong September 24, 2023 iniutos na ni Pangulong Marcos Jr. sa Department of Social Welfare and Development o DSWD ang pamimigay ng cash assistance para sa sari-sari stores na apektado ng temporary price ceiling sa bigas. agad namang pinag-usapan at sinang-ayunan ng mga netizen sa social media ang compassionate act na ito ng Pangulo dahil sa tulong na ito, makakabawi mula sa pagkalugi ang maliliit na rice retailers.
Matatandaang kasalukuyang may price cap na 41 pesos per kilo sa regular-milled rice samantalang 45 pesos per kilo naman sa well-milled rice.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, mamamahagi ng 15,000 pesos cash aid ang ahensya sa small rice retailers mula September 25 to 29.
Makikipagtulungan ang DSWD sa Department of Trade and Industry o DTI para kilalanin ang magiging beneficiaries.
Base sa pinakahuling ulat, nakapagbigay na ang DSWD ng higit sa 92 million pesos worth of financial assistance sa lagpas 6,000 mirco and small retailers na apektado ng price cap.
Makakaasa tayong itutuloy ni Pangulong Marcos Jr. ang pagtulong sa mga Pilipinong apektado sa isyu ng bigas habang tinutugis niya ang smugglers at hoarders sa pamamagitan ng Anti-agricultural Economic Sabotage Act.
Sabi nga ni Zamboanga Del Sur Representative Divina Grace Yu, nakita at napansin ng Pangulo kung paano nakakaapekto ang price cap sa small time retailers kaya hindi na siya nagsayang ng oras na gumawa agarang ng aksyon.
Ikaw, agree ka bang malaking tulong ang pamamahagi ng cash assistance sa small rice retailers?