Umaasa si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na irerekonsidera ng Court of Appeals ang desisyon nitong pansamantalang suspendihin ang Power Supply Agreement sa pagitan ng San Miguel Corporation na subsidiary na South Premier Power Corporation at Manila Electric Company.
Ayon kay Cheloy Garafil, Officer-In-Charge ng Office of the Press Secretary, binigyang-diin ng Pangulo na labag sa kasunduan ng PSA ang kautusan, dahil magdudulot ito ng malalang epekto sa singil sa kuryente.
Noong Nobyembre 24 inilabas ng 14th Division ng CA ang TRO kasunod ng desisyon ng Energy Regulatory Commission noong September 9 na ibasura ang hiling ng SPPC, San Miguel Energy Corp at MERALCO na taasan ang generation charge.
Ang desisyon ay bunsod na rin ng pagtaas ng presyo ng coal at natural gas materials na ginagamit sa pagpo-produce ng kuryente.