Optimistiko si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na kanyang makakaharap at makakausap si US President Joe Biden.
Ito ang inihayag ni Pangulong Marcos Jr. sa harap ng Filipino community sa New Jersey Performing Arts Center.
Giit ni Pang. Marcos Jr., na hindi sya nawawalan ng pag-asa na kanyang makakausap sa isang bilateral meeting ang US president.
Kaakibat ng paniniwala ng punong ehekutibo na magkakaharap at magkaka-usap sila ng pangulo ng Amerika, ang pananaw nito kaugnay sa maayos at magandang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos.
Dagdag pa ni Pangulong Marcos Jr., nananatiling matatag at tiyak na mas lalakas pa ang bilateral relations ng dalawang bansa dahil na rin sa patuloy na matagal ng pagkakaibigan ng Pilipinas at Amerika. – sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)