Ipinawalang-bisa o i-vineto ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang House Bill No. 7575 na gawing Special Economic Zone and Freeport Zone ang Bulacan Airport City.
Batay sa liham ng Pangulo na ipinadala sa tanggapan ng Senate President, sinabi nito na hindi nito sinusuportahan ang naturang bill dahil salungat ito sa layunin ng gobyerno na bumuo ng tax system.
Bagamat kinikilala ng Pangulo ang naturang layunin ng bill ay kailangan pa ring mag-ingat sa paggamit ng pondo dahil humaharap pa rin ang bansa sa matinding krisis sa COVID-19 pandemic.
Samantala, sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na kailangan ang malalimang pag-aaral sa planong economic zone para matiyak kung mayroon itong pakinabang sa bansa.