Kapwa nagkamit ng mataas na trust rating sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Vice President Sara Duterte.
Batay sa pulso ng Pilipino survey na isinagawa ng Issues and Advocacy Center o The Center, nakakuha ang Punong Ehekutibo ng 87% gross trust rating habang nakatanggap naman ng 88% ang Pangalawang Pangulo.
94% ng respondents mula Mindanao ang nagsabing tiwala sila sa Pangulo, 84% naman ay mula sa Visayas; 83% sa Luzon; at 82% naman ay nagmula sa National Capital Region.
Nakakuha rin si VP Sara ng pinakamataas na rating sa Mindanao na 97%; 91% naman sa Visayas; 81% sa Luzon at 84% naman sa NCR.
Samantala, 6% ng respondents ang nagsabing wala silang tiwala kay Pangulong Marcos at VP Sara.
Nakatanggap naman ng 78% na satisfaction rating sa performance ang pangulo habang 82% naman ang bise presidente.
Isinagawa ang naturang survey sa 1,200 respondents sa buong bansa mula December 5 hanggang December 12, 2022.