Wala pang desisyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung pupunta siya sa Switzerland sa unang bahagi ng susunod na taon para dumalo sa World Economic Forum (WEF).
Ito ang inihayag ng Office of the Press Secretary (OPS) na inimbitahan ni WEF founder at executive chairman Klaus Schwab si Marcos sa nasabing forum sa Davos sa January 16 hanggang 20, 2023.
Ayon kay Marcos, nais ni Schwab na malaman pa ang kwento o kung ano ang mayroon sa Pilipinas.
Hindi pa siya aniya sigurado rito dahil nakatakda rin ang kaniyang state visit sa China sa susunod na taon matapos na imbitahin ni President Xi Jinping.
Nabatid na bago pa man ang naganap na ASEAN Summit sa Cambodia, nagtungo rin si Marcos sa Indonesia at Singapore noong Setyembre para sa state visits maging sa 77th United Nations General Assembly sa Estados Unidos.