Inihayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na wala pang nakatakdang state visit si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Kasunod ng naiulat na imbitasyon ni US President Joe Biden kay PBBM ukol sa posibleng pagbisita nito sa Washington ay sinabi ng kalihim na hintayin na lamang na ang Malacañang ang pormal na mag-anunsiyo kaugnay dito.
Matatandaan na una nang inilahad ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez ang imbitasyon ni Biden kay Marcos na bumisita sa Washington.