Wala pang pinal na desisyon ang Pilipinas sa kontrobersiya sa pagitan ng Malaysia at Sulu kaugnay sa pinag-aagawang Sabah, International Assets ng Malaysian State-owned Oil Company.
Inihayag ito ni Solicitor General Menardo Guevarra matapos magpahayag ng pag-asa ang ilang tagapagmana ng Sultanato, na tutulungan sila ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. matapos nitong sabihin sa kaniyang SONA na poprotektahan nito ang teritoryo ng bansa.
Ayon kay Guevarra, masusi na nilang pinag-aaralan ang isyu at kung ano ang magiging ligal at konstitusyonal na epekto nito sa Pilipinas.
Hindi naman agad-agad na makikialam ang bansa sa alitan sa pagitan ng Malaysia at Sulu, lalo’t hindi pa tiyak kung sino ang mas may karapatan sa Sabah.
Matatandaang noong Pebrero, iniutos ng French Court sa Malaysia na bayaran ang Sulu upang ma-settle na ang isyu sa Colonial-Era Land Deal.
Pero binali ito ng panibagong desisyon ng Paris Court of Appeal matapos matuklasang magdudulot ng paglabag sa Soberanya ng Malaysia ang naunang utos.