Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang magiging problema sakaniya sakaling muling kumuha ng prangkisa ang ABS-CBN.
Ayon sa pangulo, dapat na maresolba ng naturang istasyon ang isyu hinggil sa nagdaang imbestigasyon at pagdinig sa kanilang franchise renewal.
Matatandaang naglabas ng Cease and Desist Order ang National Telecommunications Commission (NTC) hinggil sa pwersahang pagpapasara sa ABS-CBN noong 2020 matapos ibasura ng kongreso ang 25-year franchise renewal ng istasyon.
Bukod pa dito, binatikos din ng nagdaang administrasyon ang istasyon dahil umano sa hindi pag-ere sa campaign ads ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 Presidential Election.
Samantala, nilinaw naman ni PBBM na dapat tutukan ng istasyon ang mga technical issues sa kabila ng kaugnayan nito sa politika.