Inihayag ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na tutulong sila sa pamahalaan ng Maguindanao hinggil sa problema nito sa power rate collection.
Ayon kay Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu, kung hindi kasi mase-settle ang atraso nito ng agosto sa susunod na taon ay mapuputulan sila ng kuryente base na din sa nalagdaang agreement.
Ipinabatid naman ng punong ehekutibo na mabuting magkaroon ng mas magandang payment schedule at maaaring makatulong siya sa aspetong ito.
Aniya, mabago rin sana ang ipinatutupad na sistema gayung nakapagtatakang trust receipt lamang ang iniisyu sa pangongolekta ng mga line man o ng mga collectors para rito.