Naghahanda na ang mga provincial bus operators sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa Undas.
Sinabi ni Alex Yague, Director ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP), nagsimula na silang magdagdag ng mga unit nuong nakaraang buwan pa.
Maliban dito, sinisiguro na rin ng mga operator ang roadworthiness ng mga bus na halos tatlong taong natigil dahil sa COVID-19 pandemic.
Aniya, pumapalo na sa 300,000 piso ang nagagastos nila sa pagsasaayos ng kada unit ng bus bukod pa ito sa gastos sa pag-hire at pagte-train sa mga bagong driver at konduktor.
Kaya naman, hinikayat ni Yague ang mga pasahero na maagang magpa reserve upang matantiya ang dami ng bus na kanilang patatakbuhin sa Undas.