Nanindigan si PCA o Philippine Coconut Authority Chief Avelino Andal na magpapatuloy siya sa kaniyang trabaho na pamunuan ang nasabing ahensya.
Ito’y sa kabila ng inilabas na suspension order laban sa kaniya ni Cabinet Secretary Leoncio Evasco makaraang maparatangang nasasangkot si Andal sa katiwalian.
Sa halip, inakusahan ni Andal si Undersecretary Halmen Valdez na nanggugulo sa mga ahensyang nasa ilalim ng Department of Agriculture.
Giit ni Andal, maliban sa PCA, iniimpluwensyahan din umano ni Valdez si Evasco para maglabas ng iba’t ibang kautusan sa mga ahensyang nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga tulad ng NFA o National Food Authority at NIA o National Irrigation Administration.
By: Jaymark Dagala