Tiwala ang Philippine Chamber of Agriculture and Food Incorporated (PCAFI) na matutugunan ng Administrasyong Marcos ang mga isyu na nakakaapekto sa local salt industry.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PCAFI president Danilo Fausto na mainam na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang naging Kalihim ng DA dahil tiyak na nakikita ng Pamahalaan ang mga problema sa naturang industriya.
Kabilang aniya sa mga nagpapahirap sa mga Salt producer ang Republic Act 8172 o ang Act for Salt Iodization Nationwide na mas kilala bilang Asin Law.
Una nang hinimok ng PCAFI ang Kongreso na i-repeal ang Asin Law upang buhayin ang lokal na industriya ng asin.
We’re optimistic na mabigyan ng atensiyon at pansin ang pag-develop ‘yang industriya na ‘yan na napakaimportante sa ating pagkain…kung wala ‘yang asin na ‘yan wala kang bagoong, wala kang patis, wala kang daing…” —PCAFI president Danilo Fausto
Samantala, umapela naman si Fausto sa mga konsyumer na tangkilikin ang natural salt.
siguro tangkilikin natin yung natural salt although sa mga marginalized areas natin, especially sa Mt. Province kailangan ng Iodine kasi ang salt ang pinaka easiest way to carry Iodine sa mga ulam para po maiwasan ang Goiter…”—PCAFI president Danilo Fausto