Hinikayat ng Philippine Competition Commission (PCC) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tingnan ang iba’t-ibang option hinggil sa motorcycle hailing app na Angkas.
Ayon kay PCC member Johannes Bernabe, mas maipapatupad nila ang competition promotion kung mayroon pa silang ibang pwedeng gawin.
Aniya, agad na seserbisyuhan ng mga riders ang platform kung saan mas marami ang request booking.
Dagdag pa nito, pagdating naman sa punto de bista ng mga mananakay, mas pipiliin nila kung saan mas mura at mas ligtas ang serbisyo.
Magugunitang inakusahan ng korapsyon ng angkas ang LTFRB matapos ang ipag-utos nito na tanging 10,000 motor lamang ang pwedeng mag-operate sa kanila.