Pinagmumulta ng Philippine Competition Commission (PCC) ng karagdagang P16.15-M ang Grab Philippines.
Bukod pa ito sa naunang P23-M multa.
Sa naturang halaga, 14.15 dito ay bayad para sa kabiguan nitong masunod ang kasunduan sa pagitan ng gobyerno hinggil sa fare hike.
P2-M naman para sa tumataas na bilang ng driver cancellation.
Magugunitang nagkaroon ng kasunduan ang Grab Philippines at pamahalaan na lilimitahan lamang sa 22. 5% ang fare hike ngayong holiday season.