Suportado ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang panukalang nag aalis sa value added tax (VAT) sa mga pangunahing bilihin.
Sinabi ni PCCI President George Barcelon na kapwa consumers at mga negosyo ang makikinabang kapag tinanggal ang VAT sa tinapay, asukal, cooking oil at iba pa.
Ayon kay Barcelon, maiibsan ang paghihirap ng mga Pilipino sa mataas na presyo ng bilihin kapag naalis ang VAT.
Makakatulong din aniya ang nasabing hakbang sa mga lokal na negosyo sa bansa para makapagbenta ng mas marami pang mga produkto.