Tiyak na magiging malaking pahirap lamang sa mga tsuper ng pampublikong transportasyon ang plano ng pamahalaan na tuluyang i-phase out ang mga jeepney.
Ayon kay Ka Efren De Luna, pangulo ng PCDO – ACTO, ito’y kung hindi babalikatin ng pamahalaan ang pagpapalit ng kanilang mga sasakyan ng mga bagong disenyo ng mga jeepney.
Kung 80% naman aniya ng mga jeepney ay nasa maayos o magandang kundisyon, sinabi ni De Luna na dapat magkaroon pa rin ng kunsiderasyon ang LTFRB para payagang makapasada pa ang mga ito.
Giit pa ni De Luna na nananatiling prayoridad nila ang kaligtasan ng mga pasahero kaya’t hiling nila na tulungan ang kanilang mga kasamahan na may lumang jeepney na mabigyan ng bagong sasakyan upang maipagpatuloy ang kanilang paghahanap buhay at pagseserbisyo sa taumbayan.
- Jaymark Dagala