Isa na namang Philippine Coast Guard Vessel ang binuntutan at hinarangan ng isang Chinese Coast Guard Ship sa pinag-aagawang West Philippine Sea.
Naganap ang insidente habang nagpa-patrol ang P.C.G. malapit sa Ayungin o Second Thomas Shoal, noong Linggo.
Batay sa ulat ng Agence France Presse, na noo’y sakay naman ng BRP Malabrigo at nakasaksi sa insidente, maka-ilang beses silang binuntutan ng Chinese vessel.
Dahil halos magkalapit lamang, muntik nang magbanggaan at magkagitgitan ang malapascua at malaking barko ng China Coast Guard.
Ayon kay BRP Malapascua Commanding Officer Rodel Hernandez, kung hindi niya pina-atras ang kanilang barko ay maaaring magkabanggaan sila ng Chinese vessel.
Karaniwan na anyang hinaharang ng chinese vessels ang mga barko ng P.C.G. na nag-pa-patrol malapit sa Ayungin kung saan naka-himpil ang Philippine Marines lulan ng BRP Sierra Madre.
Ang Second Thomas Shoal ay dalawandaang kilometro lamang mula sa palawan at bahagi ng Philippine Exclusive Economic Zone.