Nagsagawa ng joint maritime exercises ang mga kagawad ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa West Philippines Sea (WPS).
Ayon kay spokesperson Commodore Armand Balillo, kabilang sa mga lumahok sa aktibidad ay ang BRP Gabriela Silang at BRP Sindangan na pumasok sa bisinidad ng Bajo De Masinloc habang ang BRP Cabra, BRP Malapascua at mga barko ng BFAR ay nag-ikot naman sa Pag-asa Island.
Sinabi ni Balillo na sa mga susunod na araw ay susuyurin din nila ang Batanes Group of Islands, Benham Rise, at maging ang timog at silangang bahagi ng bansa.
Plano rin nitong magdaos ng medical & dental missions sa Pag-asa Island ngayong linggo.