Umalma ang Philippine Coastguard sa pahayag ng ilang ‘Otso Diretso’ senatoriables na pinagbawalan silang maglayag patungong Scarborough Shoal.
Ayon sa Coastguard, walang polisiya na nagbabawal sa sinumang magtungo sa Scarborough Shoal subalit kailangan silang maabisuhan ng mas maaga para rito.
Una nang inihayag ng ‘Otso Diretso’ na hindi sila pinayagang makapunta sa naturang bahura para sana tingnan ang umano’y mga aktibidad ng China sa lugar.
Matapos silang harangin, ipinabatid ng opposition senatoriables na nagtungo na lamang sila sa shoreline at naglagay ng bandila ng Pilipinas bilang protesta sa mga ginagawa ng China.