Ilalagay sa ‘heightened alert’ ang buong operating units ng Philippine Coast Guard (PCG) simula sa October 24.
Ito’y bilang paghahanda sa paparating na undas gayong inaasahan ang pagdami ng pasahero na magsisiuwian sa probinsya.
Ayon kay PCG acting Commander Commodore Armand Balilo, nasa 12,000 ng kanilang pwersa ang ipapakalat upang maiwasan ang anumang aberya o problema sa paggunita ng Undas 2022.
Kabilang sa mga idedeploy ang mga sea marshals, port security, safety inspectors at maging ang medical teams.