Naglunsad ng joint communication at anti-piracy exercises ang Philippine Coast Guard (PCG) at Japan Coast Guard (JCG) sa Sibutu Passage, Tawi-tawi.
Ayon sa PCG, kasama sa lumahok ang BRP bagacay, BRP cape san agustin, BRP sindangan at BRP malamawi mula sa PCG at JCGS Tsugaru ng JCG.
Nagsagawa ang dalawang coast guards ng radio communication sa pagitan ng JCG helicopter at PCG vessels.
Ang nasabing aktibidad ang nagsilbing oportunidad para sa PCG at JCG upang matuto sa isa’t-isa.—sa panulat ni Drew Nacino