Walang oil spill na namonitor sa banggaang nangyari sa isang cargo at foreign utility vessel sa karagatangang bahagi ng South Harbor Anchorage sa Maynila.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, walang dapat na ipangamba sakaling tumagas ito dahil isa lamang aniya itong ordinaryong diesel at nawawala rin sa init ng araw at lakas ng alon.
Mayroong lulang 3000L diesel ang MV Palawan Pearl nang makabanggaan nito ang BKM 104 kahapon.
Ani Balilo, wala namang nasaktan sa naturang insidente.