Mag-re-recruit ng higit sa 5K mga officers at personnel ang pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa taong ito.
Ito’y kasabay ng signing ceremony ng kontrata sa pagitan ng PCG at Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation para sa higit 400,000 m2 facility sa Bagac sa Bataan.
Ayon kay Commandant Admiral George Ursabia Jr., kinakailangan nilang magsanay ng 4,000 mga tauhan para sa pagpapaigting ng kanilang hanay, at karagdagang 1,500 na mga tauhan nito na inihiling na makatulong ng Bureau Of Customs (BOC) para sa kanilang operasyon.
Paliwanag ni Ursabia, ito’y dahil kailangang tumulong ang pcg sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan na nangangailangan ng tulong nito sa ngalan ng serbisyo publiko.