Inihayag ni PCG Spokesman Comodore Armand Balilo, na maglalaan ng dalawang malalaking barko ang kanilang ahensya sa bahagi ng West Philippine Sea sa susunod na taon.
Ayon kay Balilo, ang dalawang malalaking barko ay manggagaling sa Japan na posibleng dumating sa buwan ng Mayo at Hunyo.
Dagdag pa ni Balilo, kinokompleto na nila ang mga pasilidad na ilalagay sa loob ng barko upang agad na magamit sa pagpapatrolya sa mga katubigang sakop ng Pilipinas.
Nilinaw naman ng kalihim na ang naturang mga barko ay gagamitin para sa pangkalahatang pangangailangan, tulad ng pag-rescue, pag-alalay sa mga mangingisda maging ang regular na pagpapatrolya at hindi para ipangtapat sa mga barko ng China. —sa panulat ni Angelica Doctolero