Magpapadala ng mga offshore patrol vessels ang Philippine Coast Guard o PCG sa mga rehiyon at probinsyang apektado ng bagyong Odette.
Nabatid na ang BRP Gabriela Silang ay tutulak patungong Surigao del Norte mula Port Area, Maynila bilang suporta sa relief operations ng pamahalaan.
Samantala, ang BRP Tubbataha sa Palawan at BRP Malabrigo sa Batangas ay maglalaan naman ng food packs, kumot, hygiene kits, at inuming tubig para sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo sa Visayas.