Mahigpit na binabantayan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang baybaying dagat sa mga lugar kung san nakataas ang gale warning dahil sa Bagyong ‘Tisoy’.
Iginiit ng PCG na bawal ang paglalayag ng mga bangkang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat sa mga lugar na may gale warning.
Kabilang sa mga tinututukan ng PCG ang Batanes, Cagayan, Babuyan Islands, Isabela, Aurora, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Quezon, Polillo Islands, Camarines Provinces, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Samar Provinces, Dinagat Island, Siargao at Davao Oriental.
Ibinabala pa ng PCG ang malakas na gale force o taas ng alon na aabot sa 2.5 meters hanggang 4.5 meters sa mga nabanggit na lugar.