Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na mananatiling naka- heightened alert hanggang sa Biyernes ang kanilang ahensya kasunod ng paggunita ng Undas 2022 at pananalasa ni Bagyong Paeng.
Ayon sa PCG, ito’y para masigurong ligtas sa anumang uri ng krimen at nasa maayos ang biyahe ng mga pasaherong magbabalik sa Maynila mula sa kani-kanilang mga probinsya.
Nakamonitor pa rin ang mga tauhan ng PCG sa bawat mga pantalan makaraang ibalik na sa normal ang operasyon nito matapos ang nagdaang bagyo.
Sa ngayon, patuloy sa pagsasagawa ng ibat-ibang operasyon at koordinasyon ang ahensya upang tugunan ang pangangailangan ng mga biyahero.