Nagpaalala ang Philippine Coast Guard (PCG) sa publiko na huwag magpumilit bumiyahe kung suspendido na ang biyahe sa mga pantalan.
Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesperson Commodore Armand Balilo, na huwag tangkilikin ang mga inter-island ferries na hindi nagpapaalam sa coast o ahensya, upang maging ligtas lalo na’t sa posibleng banta ng Bagyong Paeng.
Dagdag pa ni Balilo, na maaring kontakin ng mga pasahero ang shipping companies kung kailan dapat bumiyahe at kung may re-booking na gagawin. —sa panulat ni Jenn Patrolla