Nagdeklara na ng heightened alert status ang Philippine Coast Guard (PCG).
Ito’y para sa implementasyon ng Oplan Balik Eskwela 2022 mula a-15 ng Agosto hanggang a-29.
Ayon kay PCG Commandant Admiral Artemio Abu, nakikipag-ugnayan na ang PCG sa Philippine Ports Authority (PPA) at Cebu Ports Authority (CPA) para sa 24 oras na operasyon ng Department of Transportation (DOTR) Malasakit Help Desks (MHDs).
Inaasahan aniya na dadagsain ang mga major ports, harbors at iba pang maritime transport facilities para sa muling pagbabalik ng klase sa mga paaralan.
Pangungunahan ng mga medical team ang MHD ng DOTR na siyang magbibigay ng first aid at iba pang pangangailangan ng mga pasahero sa bawat pantalan.
Maliban dito, magbibigay rin ng libreng pagkain ang MHDs ng DOTR sa mga na-stranded na pasahero at tutulong rin sila na makahanap ng masasakyan pauwi ang bawat pasahero na lalapit sa kanila.