Inireklamo ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Securities and Exchange Commission (SEC) at Bataan Prosecutor’s Office ang anito’y incorporators sa umano’y bogus auxiliary group ng ahensya.
Kabilang sa incorporators si dating DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño.
Ayon kay Coast Guard Spokesman Armand Balilo, may natanggap silang report na nagre-recruit ang grupo at humihingi ng bayad para sumali sa kanilang organisasyon.
Nagsampa na ang PCG station Bataan ng mga kasong Estafa, Usurpation of Authority at Unlawful Use of Logo at Insignias laban sa grupo ni Diño na umano’y nakapag recruit na ng 500 residente ng Balanga City.
Makikipag ugnayan na rin ang PCG sa NBI at PNP para maaresto ang mga sangkot sa nasabing insidente.